Kahapon, ika-4 ng Marso, itinalaga ni Pope Francis si Fr. Herman Abcede, isang Rogationist missonary bilang bagong Bishop ng Diyosesis ng Daet.
Si Fr. Herman Abcede ang papalit kay Archbishop Rex Andrew Alarcon na nalipat sa Archdiocese of Caceres noong 2024.
Siya ang ikaapat na naitalagang bishop ng diyosesis at mamamahala sa mga simbahan ng Camarines Norte. Si Bishop-Elect Abcede ay inordenahan noong 1996. Siya ay kasalukuyang Superior sa Community of Our Lady of the Most Holy Rosary sa Parañaque City.
Isa rin siyang canon lawyer, nakuha niya ang kanyang licentiate sa canon law sa Lentran Pontifical University sa Rome at nanungkulan bilang Defender of the Bond para sa Archdiocese of Manila at Diocese of Parañaque.
Si Bishop-Elect Abcede ay naging judge rin sa Ecclesiastical Court of First Instance of the Diocese of Parañaque.

📸 CBCP News