CAMARINES NORTE 2D REPRESENTATIVE ROSEMARIE PANOTES PADAGOS ANG PAGBISITA SA MGA BARANGAY NG SEGUNDO DISTRITO

CAMARINES NORTE 2D REPRESENTATIVE ROSEMARIE PANOTES PADAGOS ANG PAGBISITA SA MGA BARANGAY NG SEGUNDO DISTRITO

Padagos ang pagbisita ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa iba pang mga barangay ng sugundo distrito upang kamustahin at mapanatili at mapatibay ang ugnayan sa kapwa lingkod bayan. 

Damang dama niya ang mainit na pagtanggap sa bawat barangay na kanyang pinuntahan. Dito rin ay naipapahayag ng mga barangay officials ang kanilang mga prayoridad na mga proyekto para sa kani-kanilang komunidad. Isa ito sa mga layunin ng kongresista na mas mailapit ang maayos na serbisyo at makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para sa ikabubuti ng bawat CamNorteño. Ang ganitong gawain ay isa rin na nagpapatibay sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo at programa ng pamahalaan.

“Maraming salamat po sa paglalaan ninyo ng oras at mainit na pagtanggap. Padagos lang po tayo sa paglilingkod sa mga CamNorteño!”, pahayag ni Congw. Panotes.

📸 CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes