Talisay, Camarines Norte – Dakong alas-3:15 ng madaling araw ng Marso 7, 2025, matagumpay na naaresto ang isang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation pinagsanib na pwersa ng Talisay MPS (lead unit) katuwang ang CNPIU, CN1st PMFC at CNPDEU sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV sa Purok-3, Barangay Calintaan, Talisay, Camarines Norte.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Andy”, 26 taong gulang, binata, isang driver at residente ng Barangay 6, Mercedes, Camarines Norte.
Nakumpiska at nasamsam sa operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
1. Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu (buy-bust item);
2. Isang (1) piraso ng limandaang pisong (PhP 500.00) (buy-bust money);
3. Apat (4) na piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu (possession);
4. Isang (1) unit ng hinihinalang Caliber .38 na walang trademark at serial number; at apat (4) na bala para SA nabaing baril
Ang kabuuang nakumpiskang ipinagbabawal na gamot ay kasalukuyang wala pang tiyak na timbang at halaga. Samantala, ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Talisay MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Para sa anumang impormasyon na makakatulong sa kampanya laban sa ilegal na droga, mangyaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.



Source:CNPPO PIO