RANKED NO. 7 REGIONAL MOST WANTED PERSON SA BICOL REGION, ARESTADO SA DAVAO DE ORO

RANKED NO. 7 REGIONAL MOST WANTED PERSON SA BICOL REGION, ARESTADO SA DAVAO DE ORO

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang isang lalaking nakatala bilang Ranked 7 Regional Most Wanted Person sa Bicol, matapos ang matagumpay na operasyon sa Purok 2, Barangay Basak, Nabunturan, Davao de Oro, dakong 2:30 ng umaga ng nitong Marso 8, 2025.

Kinilala ang akusado bilang si alyas “Bob”, 51 taong gulang,  magsasaka at residente ng Purok 6, Barangay Guinacutan, Labo, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Division 5 – Regional Special Operations Unit (RID5-RSOU), Tracker Team ng Labo MPS, Nabunturan MPS, Davao de Oro PPO, at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CN PIU). Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Annalie Thomas Velarde, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte, noong Enero 16, 2025.

Si “Bob” ay nahaharap sa mga kasong tatlong (3) bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Section 5(b) ng RA 7610 at RA 11648, na may nakalaang piyansa na PHP 108,000.00 bawat kaso. Bukod dito, nahaharap din siya sa kasong Qualified Rape as amended by RA 8353 and further amended by RA 11648 of RPC Art 266-B, na walang inirekomendang piyansa.

Sa ngayon, ang naarestong akusado ay nasa kustodiya ng arresting team ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO