CAMARINES NORTE 2D REPRESENTATIVE ROSEMARIE PANOTES NAIKISA SA USSAP PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

CAMARINES NORTE 2D REPRESENTATIVE ROSEMARIE PANOTES NAIKISA SA USSAP PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Nakiisa si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa isinagawang Ugnayang sa Siguradong Serbisyong Alay Pambarangay (USSAP) na programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nagpasalamat rin siya sa kanilang mga nakasama at dumalo sa programa upang maging matagumpay ito.

Ayon naman sa kongresista ay isa itong mahalagang pakikipag-ugnayan at direktang pakikipag-usap sa mga mamamayan upang marinig at matugunan ang kanilang pangangailangan, katulad ng kanyang programang Barangay Visitation na sinimulan ng kanyang mga magulang na kanyang ipinagpapatuloy.

“Mahalaga po sa inyong lingkod na lagi po kayong personal na makausap at makamusta dahil sa mga programang katulad po nito at ng ating regular na Barangay Visitations ay mas napapakinggan po natin ang pangangailangan ng bawat isa.” aniya. 

Kaya padagos lang ang pagsisikap ng pamahalaan upang mabigyan ng kalidad na serbisyo at programa ang bawat Camnorteño.

📸 Congw. Rosemarie Panotes