DATING PANGULONG RODRIGO R. DUTERTE INARESTO NG INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC) DAHIL SA KRIMEN LABAN SA SANGKATAUHAN!

DATING PANGULONG RODRIGO R. DUTERTE INARESTO NG INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC) DAHIL SA KRIMEN LABAN SA SANGKATAUHAN!

Ngayong araw, Marso 11, inaresto ng mga tauhan ng Interpol at Philippine National Police si Dating Pangulong Rodrigo Duterte pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing Hongkong.

Kinumpirma naman ng Malacañang na nasa kamay na ng mga otoridad ang dating Pangulo at maayos ang lagay nito. Ayon rin dito, kaninang madaling araw pa lamang ay nakatanggap na ng official copy ng arrest warrant ang Interpol mula sa ICC. 

Matatandaan na iniimbistigahan na ng ICC si DPRRD at ilang matataas na opisyal ng kanyang administrasyon dahil sa umano’y “drug war death” sa mga operasyon ng pulisya.

Ayon sa talaan ng pulisya, aabot sa humigit kumulang 6,000 ang pagkamatay kaugnay nito, ngunit hindi sang-ayon dito ang human rights group at naniniwala na ang mga pagkamatay ay aabot ng 30,000 kasama na ang vigilante killings.

Sinabi naman ni Duterte na haharapin niya ang warrant of arrest sa kanya ng ICC at haharap siya bilang abogado at hindi tatakas sa ibang bansa.