LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA PARACALE ILIGAL NA DROGA, NASABAT

LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA PARACALE ILIGAL NA DROGA, NASABAT

Paracale, Camarines Norte – Isang lalaki ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib-pwersa ng Paracale MPS, Regional and Provincial  Police Drug Enforcement Unit, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ayon sa koordinasyon PDEA-ROV, bandang alas-9:20 ng gabi nitong Marso 10, 2025 sa Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Tony”, 47 taong gulang, may live-in partner, isang gold panner, at residente ng nabanggit na lugar.

Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nasamsam sa posisyon ng suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

• Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item);

• Walong (8) piraso ng iba’t ibang laki ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; at

• Isang (1) pirasong genuine na Php500.00-piso bill na may serial number EN372828 bilang buy-bust money.

Ang pagmamarka, imbentaryo, at pagkuha ng litrato sa mga nakumpiskang iligal na droga ay isinagawa sa harap ng testigong Barangay Kagawad ng Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte, at media representative ng Radyo Pilipinas.

Sa  kasalukuyan ay inaalam pa ang halaga at eksaktong timbang ng mga nakumpiskang ebidensya. 

Samanatala, nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon. Samantala, inihahanda na rin ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO