TALISAY PUBLIC MARKET, BUKAS NA SA PUBLIKO

TALISAY PUBLIC MARKET, BUKAS NA SA PUBLIKO

Kahapon, March 11, ginanap ang inagurasyon at blessing ng bagong Public Market ng Talisay, Camarines Norte. Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal na pinanguhan ni Mayor Donovan A. Mancenido kasama sina, Governor Dong Padilla, Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes at 2nd District Board Member Pol Gache, na dating mayor ng nasabing bayan.

Binigyang diin ng lokal na pamahalaan ng Talisay na ang proyektong ito ay magsisilbing indikasyon ng pag-unlad at ang pagsigla ng pangkabuhayan para sa mga magsasaka, negosyante at mga mamamayan. Ayon pa rito, hindi lamang gusali ang kanilang naipatayo kundi maging ang isang maayos at dekalidad na serbisyo at bayanihan para sa bawat isa.

Pinuri naman ni Governor Padilla ang kooperasyon ng mga opisyal ng Talisay sa pagbuo ng bagong palengke. Aniya pa, ito ay magbubukas ng marami pang oportunidad sa lahat. Nangako rin si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes na maglalaan siya ng pondo para maipagawa naman ang ikalawang palapag ng palengke.

Kahit hindi pa kompleto at hindi pa lahat nakakabalik sa nasabing palengke ay unti-unti na itong isinasaayos. Tanging mga isda, karne at gulat palang ang available dito. Hiling naman ng iba na sana ay lahat sila makabalik at walang maiwan sa labas ng palengke.

📸 Gov. Dong Padilla/CNPIO