DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE NASA KUSTODIYA NA NG ICC

DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE NASA KUSTODIYA NA NG ICC

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng ICC si Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Lumapag ang sinasakyang niyang eroplano sa Rotterdam, Netherlands bandang 11:56 ng gabi (PH time) nitong March 12, 2025.

Matapos nito ay agad rin iti-turn over ng mga pulis mula sa Pilipinas sa mga opisyal ng Judicial Cooperation Unit of the Office of Registry ng ICC  

Inihatid si Dating Pangulong Duterte ng dalawang malaking sasakyan papasok sa Detention Center ng ICC. Sinalubong naman ito ng kanyang mga supporter at isinisigaw ang pangalan nito at pinapabalik sa Pilipinas.

Samantala, nasa Netherlands na rin si Vice President Sara Duterte upang puntahan at tulungan ang kanyang ama para sa kakaharapin nitong kaso. 

Sa isang Facebook video naman ay nagbigay ng update ang dating pangulo na nasa mabuting kalagayan ito.

“Okay ako, do not worry. And I think this is something to do with the law and order noon. At sinasabi ko naman sa mga pulis at military na magtrabaho kayo at ako ang managot, so ito na nga,” wika ni Duterte.  

Nanindigan rin ang dating pangulo na handa siyang harapin ang kaso sa International Crime Court (ICC).

“Whatever happened in the past, ako na ‘yung nag-front sa ating law enforcement and military. Sinabi ko na, I will protect you, ako ang managot sa lahat,” wika pa niya.