Ngayong araw, March 20, nakiisa si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa isinagawang Unity Walk, Inter-Faith Rally at Peace Covenant Signing ng COMELEC sa lalawigan ng Camarines Norte upang masiguro ang isang mapayapa, maayos, malaya at matapat na halalan.
Ito rin ang hiling ng kongresista at walang ibang hangarin kundi maihatid sa mga mamamayan ang patas at tapat na serbisyo.
“Ito rin po ang hiling ng inyong lingkod para sa darating na eleksyon. Dahil bilang isang lingkod bayan, wala naman po tayong ibang hangarin kundi maihatid sa ating mga mamamayan ang patas at tapat na serbisyong nararapat para sa kanila.” – aniya


