Nitong Marso 19, 2025, bandang 11:22 ng gabi, matagumpay na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Labo Municipal Police Station (MPS) at tauhan ng CNPDEU, at CNPIU sa pakikipagtulungan ng PDEA Region V, ang isang drug buy-bust operation sa Purok 2, Barangay Bulhao, Labo, Camarines Norte.
Sa nasabing operasyon, naaresto ang suspek na si alyas “MENTONG” matapos makabili ang isang pulis poseur buyer ng pinaghihinalaang shabu. Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ang isang (1) sachet ng hinihinalang shabu (buy-bust item) at siyam (9) na sachet ng hinihinalang shabu (possession item). Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang genuine na Php 500 bill bilang buy-bust money at labindalawang (12) piraso ng pekeng isang libong piso (boodle money). Ang bigat at halaga ng ilegal na drogang nakumpiska sa nasabing operasyon ay kasalukuyan pang inaalam.
Matapos ang operasyon, agad na inaresto ang suspek at ipinaalam sa kanyang nalabag na batas at karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na siya ng Labo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagtutok ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng programa ng PNP Anti-Illegal Drugs Campaign.
Ang PNP Labo MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL JIM V JEREMIAS, ay nananatiling nakatutok sa pagsugpo sa iligal na droga at pagsisiguro sa kapayapaan ng komunidad.


Source: Labo MPS