Sa pagtutulungang ng Camarines Norte Police Provincial Office(CNPPO), Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Election (COMELEC), isinagawa ang isang Unity Walk Inter-Faith Rally at Peace Covenant, kahapon,March 20, para sa kampanya ng upang magkaroon ng isang mapayapa at maayos na eleksyon ngayong taon.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno,mga pulitiko at indibidwal. Nagsimula ang Unity Walk sa harap ng Central Plaza Mall patungong SM City Daet parking lot at doon nagtipon.
Kasunod naman nito ang Peace Covenant Signing, isa-isang pumirma ang mga kandidato at mga kinatawan ng bawat sektor at ahensya ng gobyerno upang ipakita ang kanilang suporta sa gawain. Tinalakay rin dito ang mga alituntunin para sa maayos at mapayapang halalan.





📸 CNPPO