TEN (10) MOST OUTSTANDING WOMEN OF DAET FOR 2025 , PINARANGALAN!

TEN (10) MOST OUTSTANDING WOMEN OF DAET FOR 2025 , PINARANGALAN!

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Daet, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office ( MSWDO), katuwang ang Committee on Women, Children, and Family, at Municipal Council of Women of Daet, ang Women’s Congress, kahapon, Marso 21, 2025.

Pinakatampok sa isinagawang Women’s Congress ang pagkilala at pagbibigay ng parangal sa Ten (10) Most Outstanding Women of Daet 2025.  Ang pagbibigay parangal na ito ay taunang ginaganap upang papurihan ang mga natatanging kababaihan sa bayan.  Ito rin ay isang paraan ng lokal na pamahalaan upang maipakita ang pagkilala at pasasalamat sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa iba’t ibang sektor at larangan na kanilang kinabibilangan.

Narito ang talaan ng mga pirangalang Ten (10) Most Outstanding Women of Daet for 2025:

1. Dr. Glenda N. Rito

2. Ms. Judy Rose T. Gallardo, CPA

3. Mun. Admin. Joan Kristine T. De Luna

4. Nurse Fara F. Calimlim

5. Dr. Mam P. Ajero

6. Dr. Anabelle B. Abaño

7. Kgd. Loreta S. Bacerdo

8. Ms. Christine B. Nebres

9. Dr. Blesilda A. Necio

10. Arch. Ma. Angelica R. Rodrigueza

Ang mga ginawaran ng parangal ay tumanggap ng Plaque, Certificate, at Cash Incentive mula sa LGU-Daet.  Nagpaabot din ng simpleng token ang aspiranteng konsehal na si Ginoong JR Rodriguez para sa mga natatanging babae ng Daet.

Isang Violin Serenade naman ang inihandog ni Ms. Christine Louisse H. Llovit, isa sa mga opisyales ng Child Representatives of Daet.

Ang nasabing pagpaparangal ay pinangunahan ni Mayor Benito S. Ochoa; Hon. Ma. Eliza H. Llovit, Chairman Committee on Women, Children and Family; Hon. Sherwin Asis, Chairman Committee on Social Services; MSWDO Head Normanuel Eboña; Brgy. Kgd. Gigi Consuelo, President Municipal Council of Women of Daet; at Brgy. Kgd. Cristina Malate, President of VAWC Officers.