PAGPAPATAYO BAGONG DAET DISTRICT JAIL SISIMULAN NA!

PAGPAPATAYO BAGONG DAET DISTRICT JAIL SISIMULAN NA!

Masisimulan na ang pagpapatayo ng bagong Daet District Jail sa Barangay Bibirao, Daet, Camarines Norte matapos ang ginanap na Groundbreaking Ceremony nito kahapon, March 25, 2025.

Naging posible ang proyektong ito sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalan ng Daet, na nagdonate ng lupa para mapagtayuan ng nasabing district jail at ng Pamahalaang Panlalawigan na nag-allocate naman ng pondo para sa konstruksyon ng pasilidad.

Ang layunin ng pagpapatayo ng Bagong Daet District Jail ay upang mabigyan ng mas maayos na pasilidad at maibigay ang mga pangangailangan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ang seremonya ay pinangunahan nina Governor Ricarte “Dong” Padilla, Congw. Rosemarie Panotes, Mun. Admin. Joan Kristine T. De Luna, Vice Mayor Atty. Godfrey A. Parale, Bureau of Jail Management and Penology Region V Regional Director JSSUPT Elena B. Rocamoda, PhD. Panauhing pandangal sa nasabing seremonya sina Senator Sherwin Gatchalian at Senator Imee Marcos.