LAPID: MEDICAL AT AGRI-TOURISM, PALAGUIN SA WESTERN  VISAYAS

LAPID: MEDICAL AT AGRI-TOURISM, PALAGUIN SA WESTERN  VISAYAS

NAIS ng reelectionist Senator Lito Lapid na lalong palakasin ang turismo sa Western Visayas o Region 6.

Ayon kay Lapid,  na kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Tourism, ang mga likas na yaman, tourist spot at local delicacy sa Panay Island at Guimaras Island, ay dapat ipromote pa upang lalong makaakit ng mas maraming dayuhan at lokal na turista.

“Maipagmamalaki po ang magagandang tanawin dito. Ang mga white sand beach, gaya ng Boracay, waterfalls, natural at man-made tourist attractions, at mga local delicacy ay makapagbibigay ng hanapbuhay sa marami nating mga kababayan,” ayon pa kay Lapid.

Nais palaguin ni Sen. Lapod ang medical at agritourism sa buong bansa na aniya ay makakatulong din para lumikha ng maraming trabaho at pagkakakitaan.

“Ang ibayong pag-promote sa medical tourism, agritourism at ecotourism ay makapagbibigay ng kita at hanapbuhay sa mga mahihirap na Pinoy. Makatutulong din ang medical tourism para hindi na kailangang mag-abroad ng mga magagaling nating doktor at nurse,” ani Lapid.

Isa rin sa pagtutuunan ng pansin ng senador ay ang pagbibigay suporta at subsidiya sa mga magsasaka at mga mangingisda sa lalawigan ng Iloilo, Aklan, Antique, Guimaras at Capiz. 

Ang kapitolyo ng Capiz na Roxas City ang tinaguriang Seafood Capital of the Philippines.