PULISYA NG SAN LORENZO RUIZ, MATAGUMPAY NA NAARESTO ANG RANK 1 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON

PULISYA NG SAN LORENZO RUIZ, MATAGUMPAY NA NAARESTO ANG RANK 1 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON

San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte — Isang operasyon ang isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng San Lorenzo Ruiz Municipal Police Station (Lead Unit), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camarines Norte Provincial Field Unit (CNPFU), at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (CN 2nd PMFC), kung saan kanilang naaresto ang isang wanted person.

Ang suspek na si alyas “Roy”, 38 taong gulang, binata, isang magsasaka, at residente ng nasabing bayan ay naaresto dakong alas-12:15 ng tanghali ngayong Abril 7, 2025 sa Purok 1, Barangay Malacbang, Paracale, Camarines Norte.

Si Roy ay may kinakaharap na dalawang kaso ng Acts of Lasciviousness, alinsunod sa Criminal Case No. 685 (na may petsang Nobyembre 5, 2024) at Criminal Case No. 617 (na may petsang Marso 11, 2025), na may inirekomendang piyansa na Php 36,000.00 para sa unang kaso at serving of sentence naman para sa ikalawa.  Ang mga warrant of arrest ay inilabas ni Hon. Judge Michelle A. Faurillo-Joven, Acting Presiding Judge ng Municipal Circuit Trial Court ng San Lorenzo Ruiz-San Vicente, Camarines Norte, noong Disyembre 3, 2021.

Ang nasabing indibidwal ay naitala bilang Rank 1 sa talaan ng Municipal Most Wanted Persons ng San Lorenzo Ruiz dahil sa mga kasong kanyang kinakaharap.

Sa ngayon, ang naarestong personahe ay nasa kustodiya ng San Lorenzo Ruiz Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Source: CNPPO PIO