BIGTIME NA TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE; TINATAYANG NASA 6.9 MILYONG PISONG HALAGA NG HINIHINALANG ILIGAL NA DROGA NASAMSAM!

BIGTIME NA TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE; TINATAYANG NASA 6.9 MILYONG PISONG HALAGA NG HINIHINALANG ILIGAL NA DROGA NASAMSAM!

Sa masigasig na pakikipag-ugnayan at magandang relasyon ng kapulisan at ng mga mamamayan sa probinsiya ng Camarines Norte, nitong ika-9 ng Abril, 2025, dakong alas 3:15 ng umaga, isang bigtime na tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan na pinangunahan ng PPDEU(lead unit) katuwang ang CNPIU at LABO MPS na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok-2, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte. 

Ang nahuling suspek ay kinilalang si alyas “RICKY,” 33 taong gulang, at residente ng Purok-3, Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Samantala, patuloy namang inaalam ang eksaktong bigat at halaga ng narekober na hinihinalang iligal na droga.

Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Labo MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. 

Samantala, binigyang papuri ni PCOL LITO L ANDAYA ang mga kapulisan sa kanilang walang humpay na dedikasyon, determinasyon at pagpupursigeng mahuli ang mga gumagawa ng iligal na aktibidad at nagpapakalat ng iligal na droga dito sa probinsiya. “Magtulungan tayo na mapanatiling tahimik at payapa ang ating minamahal na lalawigan, anu mang impormasyong inyong nalalaman tungkol sa mga taong gumagawa ng mga iligal na gawain sa inyong lugar ay agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang agarang maaksyunan at matugunan ng inyong kapulisan dahil ito ang susi sa isang maayos, matiwasay at maunlad na pamayanan-ani PCOL ANDAYA.”

Source: CNPPO PIO