Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan na pinangunahan ng Mercedes MPS, katuwang ang CNPIU, CNPDEU at 1st PMFC ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 9:00 ng gabi nitong Abril 8, 2025 sa Purok 4, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si “KING“, 24 taong gulang, at residente ng Barangay Mamala 2, Atienza Subd., Sariaya, Quezon. Inaresto ang nasabing personahe matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang tinatayang daang libong halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Mercedes MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kaso para sa paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.
Source: CNPPO PIO