Isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang inaresto matapos itong mahuli sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station, katuwang ang Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Unit ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 5:34 ng hapon nitong Abril 8, 2025 sa Purok 6, Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas “IWIN”, 40 taong gulang, binata, at residente ng Purok 2, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.
Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO