Sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Camarines Norte(lead unit), Mercedes MPS at PNP Drug Enforcement Unit (SOU 5), nahuli ang apat na katao at nabuwag ang isang drug den sa Purok 1A, Barangay 7, Mercedes, Camarines Norte.
Ang operasyon ay isinagawa dakong 11:52 ng umaga nitong , Abril 10, 2025. Sa naturang operasyon, nahuli sina alyas Jane, 46 anyos, alyad Otep, 41 anyos, alyas Eric, 46 anyos at alyas Noel, 41 anyos, lahat ay residente ng nabanggit na lugar. Nahuli sila matapos makabili ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu ang nakatalagang poseur buyer.
Nakumpiska sa operasyon ang di pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga.
Ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Camarines Norte para sa kaukulang disposisyon.


Source: CNPPO PIO