MAS PAIIGTINGIN pa ni Senador Lito Lapid ang public awareness sa kanyang inakdang batas, ang Lapid Law o ang Republic Act No. 9999 na nagbibigay ng FREE LEGAL ASSISTANCE sa mga mahihirap at naaapi sa batas.
Si Lapid ang awtor ng Free Legal Assistance Law na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2010.
Sa bisa ng batas, sinabi ni Lapid na makaka-avail na ng abugado ang sinumang mahihirap o walang kakayahang magbayad ng legal service ng abugado.
Sinabi pa ni Lapid na binibigyan anya ng 10 porsyentong bawas sa income tax kada taon ang sinumang lawyer na mag-tatanggol sa mahirap na kliyente.
May 60 oras naman ang abugado na mag-render ng libreng legal assistance sa bawat kliyente.