SENADOR MANUEL “LITO” LAPID SINUYOD ANG LALAWIGAN NG ANTIQUE

SENADOR MANUEL “LITO” LAPID SINUYOD ANG LALAWIGAN NG ANTIQUE

SINUYOD ni Senador Lito Lapid ang lalawigan ng Antique sa kanyang sariling motorcade nitong Lunes.

Sinimulan ni Lapid ang pangangampanya sa Pandan, patungo ng Bugasong, Belison, San Jose de Buenavista, Hamtic at Tobias Fornier.

Kasama ni Lapid ang tatlo nyang mga kapatid na sina Rey, Efren at Cris Lapid sa pag-iikot sa lalawigan ng Antique.

Magiliw naman na sinalubong ang tinaguriang Supremo ng Senado sa pagbisita sa ating mga kababayang Antiqueño.

Nagpapasalamat si Lapid sa kanilang patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa kanya.

Si Lapid ay tumatakbo sa ikaapat na termino sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Namamayagpag si Lapid sa Magic 12   ng surveys ng SWS, Octa Research, Pulse Asia, Tangere at iba pa.

Si Lapid ang may-akda ng isa sa mga makabuluhang batas sa lipunan, ang Free Legal Assistance Act of 2010 na naglalayong tiyakin na ang mahihirap ay mabibigyan ng libreng kalidad na serbisyong legal.

Ilan pa sa inakda ni Lapid ang Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act at Adopt-A-Wildlife Species Act.