TAGUAN NG ARMAS NG NPA, NABUNYAG SA LABO, CAMARINES NORTE!

TAGUAN NG ARMAS NG NPA, NABUNYAG SA LABO, CAMARINES NORTE!

Labo, Camarines Norte — Isang panibagong tagumpay laban sa terorismo ang naitala matapos matagumpay na matuklasan at masamsam ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang isang taguan ng armas ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Exciban, Labo, Camarines Norte dakong alas-8:45 ng umaga nitong Abril 9, 2025.

Sa likod ng operasyong ito ay ang mahigpit na koordinasyon at sama-samang aksyon na pinangunahan ng 16th Infantry Battalion ng 201st Infantry Brigade, 2nd Infantry Division ng Philippine Army; 17th Scout Ranger Company, 5SRBn, FSRR, PA; katuwang ang Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company, 91st Special Action Company, 9SABn, PNP-SAF, 503rd Maneuver Coy,  RMFB5 at Labo MPS.

Ang tagumpay ay bunga ng ulat mula sa mga responsableng mamamayan — patunay ng aktibong pakikiisa ng komunidad sa kampanya para sa kapayapaan. Sa naturang lugar ay nadiskubre ang pinagtaguang armas ng mga natitirang kasapi ng Komiteng Larangang Gerilya 1 (KLG1), Sub-Regional Committee 1 (SRC1) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng NPA.

Kabilang sa mga nasamsam na kagamitang pandigma ang mga sumusunod:

1 Ultimax 5.56mm Light Machine Gun;

1 M653 5.56mm Rifle;

1 M14 7.62mm Rifle;

7 M16A1 5.56mm Rifles;

6 M14 7.62mm Magazines;

8 iba’t ibang klase ng 5.56mm Magazines;

2 rolyo ng Detonating Cord;

6 Improvised Hand Grenades (IED);

4,211 bala ng M16; at

715 bala ng M14

Ang pagkakarekober sa mga Improvised Explosive Devices (IEDs) at mga bahagi nito ay isang malinaw na paglabag sa mga probisyon ng Republic Act No. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity. 

Ang matagumpay na operasyon ay isang mabigat na dagok sa mga natitirang elemento ng teroristang grupo, at patunay na patuloy nang humihina ang kanilang kakayahan at impluwensiya sa rehiyon.

 Sa kasalukuyan, ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ng 16th Infantry Battalion ng Philippine Army para sa tamang dokumentasyon at pagsusuri.

Source: CNPPO PIO