SASAKYAN NAGLIYAB SA LUPI, CAMSUR!

SASAKYAN NAGLIYAB SA LUPI, CAMSUR!

Nagliyab ang isang Ford Ranger 2016 model bandang alas-10:30 ng umaga, April 9, 2025, sa bahagi ng Zone 4, Barangay Napolidan, Lupi, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng Lupi PNP, habang binabagtas nito ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Napolidan patungo sana ng Naga City nang bigla na lang itong nagliyab. 

Ayon naman sa driver nito na si Ms. Merrysel, nagsimula umano ang apoy sa engine compartment ng sasakyan kaya agad din siyang lumabas ng sasakyan nang magliyab ito.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lupi sa insidente na nasa P800,00 ang naitalang pinsala.