BABAENG SANGKOT SA DROGA, NAARESTO NG DRUG BUY-BUST OPERATION SA JOSE PANGANIBAN

BABAENG SANGKOT SA DROGA, NAARESTO NG DRUG BUY-BUST OPERATION SA JOSE PANGANIBAN

Jose Panganiban, Camarines Norte – Isang babae na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng Jose Panganiban Municipal Police Station nitong Abril 11, 2025, bandang 2:35 ng hapon sa Purok 5, Barangay Luklukan Sur.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Sarah,” 31 taong gulang na residente ng nasambit na lugar. Pinangunahan ang operasyon ng mga operatiba ng Jose Panganiban MPS kasama ang PDEA ROV at PNOC sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ NORWEN ABELIDA, hepe ng pulisya.

Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na nakalagay sa mga coin purse at plastic sachets. Ang mga narekober na ebidensiya ay wala pang eksaktong timbang at halaga.

Ang imbestigasyon at dokumentasyon ay isinagawa sa presensya ng mga opisyal ng barangay at kintawan ng media.

Samantala, ang suspek ay pansamanatalang nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS habang  patuloy na inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban rito.

Source: CNPPO PIO