CAMP WENCESLAO Q. VINZONS SR., Daet, Camarines Norte — Sa masidhing pagpapakita ng pagiging Maka-Diyos, isa sa pangunahing Core Values ng Pambansang Pulisya, taimtim na isinagawa ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) ang mga gawaing espiritwal bilang bahagi ng Kwaresma.
Noong Abril 11, 2025, ginanap sa loob ng kampo ang Stations of the Cross, na sinundan ng isang Banal na Misa sa St. Michael the Archangel Chapel, na pinangunahan ni Rev. Father Chito Estrella. Dumalo ang mga personnel mula sa CNPPO, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Camarines Norte Provincial Forensic Unit (CNPFU), at Camarines Norte Provincial Mobile Diagnostic Team (CNPMDT).
Samantala, nitong araw, Abril 13, 2025, dakong 10:30 ng umaga, nakiisa si PCOL LITO L ANDAYA, Provincial Director ng CNPPO, kasama ang mga kawani ng kapulisan sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas (Palm Sunday) na ginanap sa parehong kapilya. Ang misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Allan Gavino at isinagawa sa suporta ng mga kapulisan mula sa PCADU/PIO, Labo MPS, San Vicente MPS, at CIDG.
Ang mga gawaing ito ay nagpapakita ng matatag na pananalig ng CNPPO sa Diyos, isang pundasyong nagpapalalim ng paninindigan sa tapat, makatao, at makadiyos na paglilingkod sa sambayanan.
“Ang panalangin at pananampalataya ay nagbibigay lakas sa ating serbisyo. Sa pagiging Maka-Diyos, mas nagiging makabuluhan ang ating tungkulin bilang tagapangalaga ng kapayapaan at kaayusan,” pahayag ni PCOL ANDAYA.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, pinatitibay ng CNPPO ang pangakong hindi lamang tagapagtanggol ng batas, kundi lingkod din ng Diyos at bayan.










Source: CNPPO PIO