HUMAHATAW pa rin “Ang Supremo ng Senado” na si Senador Lito Lapid sa pinaka-huling surveys ng SWS at Pulse Asia para sa mga kandidato sa nalalapit na Senatorial elections.
Sa SWS survey, nasungkit ni Lapid ang number 3 hanggang 5 spot dahil sa 33 percent ng mga respondent ang boboto sa kanya sa 2025 elections.
Isinagawa ng SWS ang face-to-face interviews nitong March 15-20, 2025 sa may 1,800 registered voters mula edad 18 pataas.
Samantala, pasok din sa magic 12 si Supremo sa pinakalatest surveys ng Pulse Asia at Octa research.
Sa isang panayam sa Cabanatuan, Nueva Ecija, natutuwa at nagpapasalamat si Senador Lapid sa Panginoon at sa mga kababayan nating patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Pangako ng Senador, ipagpapatuloy niya ang tapat na paglilingkod at pagsusulong ng mga panukalang batas para sa mahihirap nating kababayan.
“Natutuwa ako at nagpapasalamat unang-una sa ating mahal na Panginoon at sa ating mga kababayan sa buong bansa. Patuloy ang suporta nila sa akin at pagmamahal. At yan po ay susuklian ko rin ng tapat na pagseserbisyo sa kanila at mamahalin ko lalo sila, lalong-lalo na po ang mga mahihirap na kababayan natin.
Asahan din po nila na gagawa tayo ng mga batas na nakatutok sa pagpapalawig ng turismo, edukasyon, kalusugan, at para sa mga senior citizen,” dagdag ni Lapid


Photo courtesy: SWS/Team Sen. Lito Lapid