2 LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA  ARESTADO SA ISINAGAWANG MAGKAHIWALAY NA BUY-BUST OPERATION

2 LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA  ARESTADO SA ISINAGAWANG MAGKAHIWALAY NA BUY-BUST OPERATION

Camarines Norte-  Dalawang tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng kapulisan ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL LITO L ANDAYA.

Naaresto si alyas “Jojo”, 40 anyos, may asawa,isang construction worker at residente ng  Barangay VI, Daet, Camarines Norte dakong alas 5:30 ng hapon nitong Abril 15, 2025 sa kanilang barangay. Si  Jojo ay nakatala sa listahan ng PNP Drug Related Data Integration and Generation System, Regional Level, High Value Individual.

Ang nasambit na operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Daet MPS katuwang ang mga tauhan ng CNPDEU at CNPIU ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV. Nakuha  sa operasyon ang isang medium size  heat-sealed transparent plastic sachet  ng hinihinalang shabu bilang buy-bust item, isang Five Hundred Peso Bill (PhP 500.00) na may Serial Number CA1657190 bilang buy-bust money at anim pang pirasong small size heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu. Ang mga narekober na ebidensya ay kasalukuyang inaalam pa ang kabuuang timbang at halaga.

Samantala, sa bayan naman ng Paracale, isang drug buy-bust operation din ang ikinasa ng mga operatiba ng kapulisan na pinangunahan ng Paracale MPS sa pamumuno ni PMAJ ARKHEMEDES C GARCIA, COP katuwang ng mga tauhan ng CNPIU at CN2nd PMFC at ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 9:05 ng gabi nitong Abril 15, 2025 sa Purok-2, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Totoy”, 25 anyos, binata at isang construction worker na residente ng Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte. Nasamsam sa nasambit na operasyon ang anim na piraso ng maliliit na pakete ng hinihinalang shabu na kasalukuyang inaalam pa rin ang kabuuang timbang at halaga.

Ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng himpilan ng Daet MPS at Paracale MPS habang inihahanda na ang mga posibleng kasong isasampa laban sa kanila.

“Hindi kailanman titigil ang mga operasyon ng kapulisan sa kabila ng paggunita ng Semana Santa. Habang may mga patuloy na nananamantala ang mga kriminal, iligalista, at tulak ng ipinagbabawal na gamot sa probinsya, mananatiling naka-alerto at aktibo ang ating kapulisan upang tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat mamamayan”, PCOL ANDAYA.

Source: CNPPO PIO