Isang insidente ng pagkalunod ang naganap sa isang resort sa Purok 1, Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte bandang alas-5:30 ng hapon nitong Abril 18, 2025. Naiulat ang pangyayari sa mga awtoridad bandang alas-6:00 ngayong umaga, Abril 19, 2025.
Kinilala ang biktima na si alyas RIA, 38 taong gulang, at residente ng Purok 1, Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng mga Imbestigador, lumalabas na ayon sa anak ng biktima, nagkaroon ng inuman ang kanyang ina kasama ang ilang kamag-anak at kapitbahay sa Zam’s Garden Resort.
Pagkatapos ng kanilang kasiyahan at habang sila ay pauwi na, natuklasan nilang lumubog at nalunod na ang biktima sa swimming pool. Agad siyang isinugod sa Leon Hernandez Hospital para sa medikal na atensyon, ngunit idineklara siyang dead on arrival ni Dr. Alfred C. Escuadra.
Agad na nagsagawa ng ocular inspection ang mga IOCs sa lugar ng insidente at nakipag-ugnayan sa pamunuan ng nasabing resort. Humiling rin sila ng pagsasagawa ng postmortem examination upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Source: CNPPO PIO

