Nitong ika-20 ng Abril, 2025 bandang alas-3:30 ng hapon, isang insidente ng pagkalunod ang naiulat sa dagat ng Purok 1-A, Barangay 7, bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay si alyas “Maria”, 2 taong gulang na batang babae at residente ng nasabing lugar. Ayon sa salaysay ng ina ng biktima, habang buhat-buhat nito ang biktima at kasamang bumababa sa bangkang de-motor mula sa isang picnic/swimming sa Barangay Manguisoc, ibinaba ito sa mababaw na bahagi ng dagat upang makapagbaba ng ilang dalang gamit. Ilang sandali lamang ay napansin niyang nawawala na ang bata.
Dahil dito, agad siyang humingi ng tulong sa mga taong nasa paligid. Agarang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, PNP, at ilang mga residente. Matapos ang masusing paghahanap, natagpuan ang bata at agad itong isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Sa kabila ng pagsisikap na maisalba ang buhay ng bata, idineklara itong dead on arrival ng sumuring manggagamot na si Dra. Labayan R. Kimberly bandang alas-3:40 ng hapon.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Mercedes MPS upang alamin ang buong detalye ng insidente. Inihahanda na rin ng Investigator on Case (IOC) ang request para sa post mortem examination ng biktima.
Source: CNPPO PIO

