LALAKING MAY KASONG PAGLABAG SA RA 7183, NAARESTO NG VINZONS PNP

LALAKING MAY KASONG PAGLABAG SA RA 7183, NAARESTO NG VINZONS PNP

Naaresto ang isang lalaking wanted sa kasong paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices) sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte nitong Mayo 20, 2025. 

Kinilala ang suspek na si alyas “PJ”, 34 taong gulang, may-asawa, cook, at  residente ng Purok 4, Ecology Village, Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte. Dakong alas-1:30 ng hapon isinilbi ng mga operatiba ng Vinzons MPS ang warrant of arrest laban sa suspek sa Purok 4, Ecology Village, Calangcawan Sur ng nasabing bayan. Ang warrant of arrest ay inilabas ni Hon. Lourdes Clarissa Donatilla King Cu, Acting Presiding Judge, MTC Vinzons, Camarines Norte na may criminal case # 25-3863 at may petsang May 16, 2025 . May inirerekomendang piyansa na P10,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. 

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Vinzons MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Source: CNPPO PIO