DALAWANG LALAKI NAARESTO NG DAET PNP SA KASONG QUALIFIED TRESPASS TO DWELLING SA DAET, CAMARINES NORTE

DALAWANG LALAKI NAARESTO NG DAET PNP SA KASONG QUALIFIED TRESPASS TO DWELLING SA DAET, CAMARINES NORTE

Daet, Camarines Norte — Naaresto ng tracker team ng Daet Municipal Police Station (Lead Unit) kasama ang CIDG PFU Camarines Norte ang dalawang lalaki na may standing warrant of arrest kaugnay ng kasong Qualified Trespass to Dwelling.

Isinagawa ang operasyon nitong Mayo 21, 2025 sa Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte. Ang unang suspek ay kinilalang si “IKE,” 26 taong gulang, construction worker at walang asawa, na naaresto dakong alas-5:25 ng hapon sa Purok 4. Samantala, ang ikalawang suspek na si “OBET,” 40 taong gulang, vendor at may asawa, ay naaresto naman dakong alas-5:15 ng hapon sa Purok 5.

Ang mga warrant of arrest ay may kaugnayan sa CICL number 23-3170 na inisyu ni Hon. Madonna Gay Lumanta Escio, Presiding Judge ng MTC Branch 1, Daet, noong Mayo 19, 2025. Nakasaad dito ang piyansa na Php 36,000.00 para sa kanilang panandaliang kalayaan.

Agad ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan alinsunod sa batas. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Daet Municipal Police Station ang dalawang lalaki para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Source: CNPPO PIO