Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan na pinangunahan ng Sta. Elena MPS, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 8:40 ng gabi nitong Mayo 26, 2025 sa Purok 3, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si “Chris“, 40 taong gulang, at residente ng nabanggit na lugar. Inaresto ang nasabing personahe matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng iligal na droga.
Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Sta. Elena MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO

