LALAKI, ARESTADO SA PAGNANAKAW AT PAGLABAG SA R.A. 9165

LALAKI, ARESTADO SA PAGNANAKAW AT PAGLABAG SA R.A. 9165

Naaresto ang isang lalaki dakong 11:30 ng umaga nitong Mayo 27, 2025, sa kasong Theft at paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ronron”, 23 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Purok 1, Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Batay sa ulat, naganap ang insidente ng pagnanakaw sa Felipe II Extension, Purok 4, Brgy. VI, Daet, Camarines Norte. Palihim na kinuha ng suspek ang isang (1) unit ng Redmi 14C cellphone na tinatayang nagkakahalaga ng Php 4,799.00. Hinabol ng biktima ang suspek at humingi ng tulong sa isang tauhan ng Daet Municipal Police Station, na agad namang rumesponde at naaresto ang suspek. Sa isinagawang body search, narekober mula sa kanya ang ninakaw na cellphone.

Bukod dito, nakuha rin mula sa bandang balakang ng suspek ang isang self-sealing transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng marijuana. Hindi pa natutukoy ang eksaktong bigat at halaga ng naturang ilegal na droga.

Ipinaalam agad sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang lubos niyang naunawaan, at isinailalim siya sa medikal na pagsusuri sa Camarines Norte Provincial Hospital bago tuluyang ilagak sa kustodiya ng himpilan para sa nararapat na disposisyon.

Source: CNPPO PIO