Bandang alas 7:20 ng gabi ng Agusto 21, 2024 naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Paracale MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ ARKHEMEDES C GARCIA, OIC kasama ang operatiba ng Camarines Norte PDEU at Camarines Norte 2nd PMFC na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang babaeng tulak umano ng iligal na droga sa Purok 7a, Sitio Landing, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Lilith”, kasal, sari-sari owner at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska naman sa operasyon ang di pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Isinagawa ang imbentaryo at pagmarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng halal na opisyal ng barangay at kinatawan ng media.
Ang inarestong suspek at mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Paracale MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Kasong paglabag sa RA 9165 ang inihahanda laban sa nasabing suspek.


Source: CNPPO PIO

