Sisimulan na ang konstruksyon ng Diversion o Bypass road ng Cory Aquino Boulevard sa Barangay Sua, Vinzons, Camarines Norte.

Kahapon, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang Groundbreaking Cermony ng naturang kalsada sa pangunguna ni Governor Edgardo Tallado.

Nagkakahalagang Php110,000,000.00 ang naturang proyekto na maguugnay sa mga lugar ng bayan ng Vinzons patungo sa Cory Aquino Boulevard.

Ayon kay Mayor Nory Segundo, na personal na nakiisa sa aktibidad, magiging malaking tulong ang proyekto sa pagpapaunlad at pagbabago ng kanilang ekonomiya.

Dumalo rin programa sina Vice Governor Elect Jonah Pimentel, Acting Vice Governor Concon Panotes, 2nd District Board Stanley Alegre, Renee Herrera, Atoy Moreno at PCL President Nards Baning.