ESTUDYANTE PATAY, ISA PA SUGATAN, MATAPOS SUMALPOK ANG MINAMANEHONG MOTORSIKLO SA ISANG PLANT BOX SA BAYAN NG LABO!

labomap608

Marso 16, 2018, Labo, Camarines Norte – Agad na binawian ng buhay ang isang criminology student habang sugatan naman ang backrider na kakalse din nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang plant box sa gitna ng Maralika Highway, bayan ng Labo.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Marvin Alad, 25 anyos, residente ng P-3 Brgy Talobatib ng nasambit na bayan at ang  backrider na si  Jeric Asis, 20 anyos, kapwa criminology student sa Our Lady of Lourdes College Foundation sa bayan ng Daet.

Base sa imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station, dakong 2:00 kaninang madaling araw nang maganap ang aksidente kung saan nawalan umano ng control ang motorsiklo habang binabaybay ang nasambit na kalsada dahilan para sumalpok ito sa isang plant box at tumilapon ang dalawa sa konkretong kalsada.

Dead on the spot ang driver na si Alad na nagtamo ng matinding injury sa ulo habang sugatan naman ang kasmahan nitong si Asis na agad dinala sa pagamutan.

Napag alamang galing sa inuman ang dalawa bago maganap ang naturang aksidente.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *