26 ANYOS NA SERVICE CREW, NAGTAMO NG SAKSAK MULA SA GRUPO NG MGA KALALKIHAN SA BAYAN NG DAET!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/03/stab608.jpg

Marso 26, 2018, Daet, Camarines Norte – Sugat sa dibdib ang tinamo ng isang 26 anyos na service crew mula sa pananaksak ng grupo ng mga kalalakihan sa Vinzons Avenue, Barangay Lag-On (crossing), Daet, Camarines Norte dakong 1:15 ng madaling araw kahapon, Marso 25, 2018.

Kinilala ang biktimang si Aldrin Romagosa Y Jersalla, 26 anyos, binata, service crew sa Mc Donalds, Daet Branch at residente ng  Purok 6, Barangay Camambugan ng parehong bayan.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo kasama ang dalawa (2) pang backrider ay tinatahak ng biktima ang kalsada mula Brgy. V patungong Central Plaza Complex ng nasambit na bayan nang pagsapit sa tapat ng Garden View Resto Bar ay hinarang ito ng apat (4) na kalalakihang kinilalang sina Junjun Umali y Concepcion, 18 anyos, Janing Lorenzo, Jason Abecilla at John Fred Roson pawang mga residente ng  Brgy. IV Mantagbak ng naturang bayan.

Iniwasan umano ng biktima ang mga suspek at patuloy na nagmaneho palayo sa mga ito subalit hinabol ito ng mga suspek at nang maabutan ay humugot na si Lorenzo ng fan-knife at doon na inundayan ng saksak sa bahagi ng dibdib si Romagosa.

Nagawa pa umanong humingi ng tulong ng biktima at mga kasamahan nito sa mga rumurondang kapulisan ng PCP1.

Agad na dinala sa Panlalawigang Pagamutan ang biktima para sa kaukulang atensiyong medikal habang naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Junjun Umali.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang follow up operation ng Daet PNP para sa pagkadarakip ng tatlo (3) pang tumakas na suspek.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *