LOLO TIMBOG MATAPOS NAHULIHAN NG SHABU SA KANYANG BAHAY SA PARACALE, CAMARINES NORTE!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/12/Lolo.jpg

December 15, 2018, Daet, Camarines Norte. Bagama’t may edad na ay tila wala pa ring pinagkatandaan ang isang lolo sa bayan ng Paracale matapos marekober sa kanyang tinutuluyan ang mga pakete ng shabu dakong ala una y media ng hapon nito lamang na ika labing-isa (11) ng Disyembre 2018.

Sa bisa ng search warrant na dala ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at PDEA, narecover sa suspek na si Jose Basister, animnapu’t dalawang (62) taong gulang, ang tatlong pakete ng shabu sa kanilang residensya sa Purok Yakal, Poblacion Norte ng nasabing bayan.

Ayon sa mga otoridad, tinatayang aabot sa tatlumpu’t limang libong pisong (35,000) halaga ng shabu ang nahalughog sa bahay ng nabanggit na suspek sa nasabing operasyon.

Dahil dito ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Paracale Municipal Police ang nasabing suspek para sa mga kaukulan pang disposisyon.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *