MGA PUNO SA GILID NG KALSADA, IPAPUPUTOL NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

MGA PUNO SA GILID NG KALSADA, IPAPUPUTOL NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Mismong si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na ang nagsabi na ipapuputol na ang mga nakasagabal na punong kahoy sa National Road sa lalawigan sa isinagawang Press Briefing:Situatinal Updates on the Aftermath of Typhoon Rolly and Ulysses in Camarines Norte nitong Lunes.

Mababatid na nagsitumba ang mga punong kahoy sa mga kalsada sa kasagsagan ng mga nagdaan na bagyo na nagresulta sa pahirapang pagdaan ng mga transportasyon at nakaapekto din sa mga kawad ng kuryente.

Sinabi ng gobernador na dapat nang putulin ang mga ito lalo’t may mga paparating pa na bagyo.

Sinang ayunan naman ito ni DPWH District Engineer Edwin Bermal at sinabing noon pa man ay nilagyan na nila ng mga marka ang mga punong puputulin at pinaguusapan na nila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tungkol dito.

Tugon naman ng gobernador na siya na ang bahala na makipag-ugnayan sa DENR upang mapabilis ang pagputol ng mga nasabing puno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *