Sa kalagitnaan ng operasyon kontra iligal na pagmimina, arestado ng mga operatiba ng Paracale MPS ang apat na minero dakong 12:04 ng hapon nitong Setyembre 13, 2021 sa Purok 2, Brgy Casalugan, Paracale, Camarines Norte.
Ang mga suspek ay nakilalang sina alyas “Eloy”, 48 anyos, may asawa, isang minero at residente ng P4, Brgy Mambalite, Daet, Camarines Norte; alyas “Dan”, 44 anyos, binata, isang minero at residente ng P2, Brgy Bagong Silang 2, Labo, Camarines Norte; si alyas “Meo”. 47 anyos, may asawa, isang minero at residente ng
P2 Brgy Bagong Silang 2, Labo, Camarines Norte; at si alyas “Jon”, 24 anyos, may asawa, isang minero at residente ng P5, Brgy San Martin, Jose Panganiban, Camarines Norte. Ang mga nasabing personahe ay naaktyuhan ng mga operatiba ng kapulisan habang nagsasagawa ng iligal na pagmimina. Nakuha sa kanila ang mga sumusunod na ebidensya:
- Isang blower
- Tatlong lampara;
- Isang pala;
- Dalawang mallets; at
- Isang chisel;
Ang mga arestadong personahe at mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Paracale MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon para kaharapin ang kasong paglabag sa RA 7942 “Philippine Mining Act of 1995.”.

