
Muling maglulunsad ng Bloodletting Program ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Daet bukas, November 10, 2021, sa pamamagitan ng Municipal Blood Council (MBC) sa pakikipagtulungan ng Bicol Medical Center (BMC).
Ang naturang aktibidad ay isasagawa bilang pagpapatuloy ng National Voluntary Blood Services Program para sa huling quarter ng taon, 2021 na may temang “Dugong Alay, Dugtong Buhay”.
Hinihikayat ng LGU ang mga nais na magdonate ng dugo bukas na magtungo sa Daet Municipal Covered Court, simula alas-8 ng umaga hanggang ala-3 ng hapon.
Layon ng Bloodletting Program na makatulong sa pagsalba ng buhay partikular ng mga nangangailangan na masalinan ng dugo.