TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, ARESTADO NG MGA KAPULISAN

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, ARESTADO NG MGA KAPULISAN

Nito lamang Abril 13, 2024, dakong alas 7:55 ng gabi, isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan ng Basud MPS katuwang ang mga tauhan ng CNPIU, PPDEU at 503rd MC RMFB5 na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV sa Purok Acacia, Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

 Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “John-john” 20 anyos, binata, at residente ng Purok 2, Brgy. 6, Mercedes, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 1 gramo ng pinaghihinalaang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 6,800.00.

Samantala, ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO