MGA NAKITANG BARKO SA JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, HINDI PAG-AARI NG CHINA

MGA NAKITANG BARKO SA JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, HINDI PAG-AARI NG CHINA

Nilinaw ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) na ang mga barkong namataan sa katubigan na sakop ng Jose Panganiban, Camarines Norte, ngayong araw, Feb. 17, ay hindi pag-aari ng China.

Ang mga barkong ito ay pag-aari umano ng Amerika, Japan at France. Nagsasagawa umano ang mga ito ng maritime exercises na kilala bilang Exercise Pacific Stellar 2025. Ang mga barkong ito may makikita rin sa mga karatig na probinsya ng Bikol.

Ayon pa sa ahensya, ang mga barkong ito ay nagpapanggap na barko ng China bilang parte ng exercise. Nilinaw rin nila na ang nagaganap na maritime exercises ay mayroon permiso mula sa Philippine Navy at hindi dapat ipagkabahala ng publiko 

Sa ngayon, patuloy ang monitoring sa maritime exercises at pinaalalahanan ang publiko na maaari pa itong makita sa mga susunod pang mga araw.

Source: Joshua Bino | DZGB-am, 729 kHz

📸 Mayor Ariel Non