Naging matagumpay ang Barangay Visitation ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa 135 na barangay na kanyang nabisita sa ikalawang distrito ng Camarines Norte.
Sobra sobrang pasasamalat ng congresswoman sa lahat ng barangay na kanyang nabisita sa maiinit na pagtanggap at suporta na kanyang natatanggap. Ang Barangay Visitation ay malapit sa kanyang puso sapagkat ito ay sinimulan ng kanyang mga magulang na kanyang ipinagpapatuloy.
Dito ay hindi lamang magbibigay ng munting tulong ang kanyang nagagawa. Nagiging daan rin ito upang mas makilala at malaman niya ang mga pangangailang ng bawat barangay maging ng iba’t ibang indibidwal.
Taos pusong nagpasalamat rin siya sa lahat ng kanyang naging katuwang upang maging matagumpay ang programang ito. Asahan na padagos lang ang kongresista para sa ikabubuti at ikauunlad ng ikalawang distrito ng Camarines Norte.
