Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Daet Municipal Police Station, Baguio City Police Office-Police Station 1, at RDEU-CAR ang isang lalaking nakatala bilang Ranked 1 City Most Wanted ng Baguio City. Ang operasyon ay isinagawa bandang 5:40 ng hapon nitong Pebrero 18, 2025, sa J. Lukban Street, Barangay III, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alyas Maki, 37 taong gulang, isang zumba instructor, at residente ng Happy Homes Fairview 1, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte.
Si Maki ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Section 6, 11, at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa ilalim ng mga kasong kriminal na 47067-R, 47068-R, at 47069-R. Ang mga warrant ay inisyu ni Hon. Lilybeth T. Sindayen-Libiran, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 61, Baguio City, Benguet noong Setyembre 8, 2023. Inirekomenda ang piyansa na Php40,000 para sa paglabag sa Section 12, ngunit walang piyansa para sa mga paglabag sa Section 6 at 11.
Sa kasalukuyan, ang naarestong akusado ay nasa kostudiya ng Daet Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.

Source: CNPPO PIO