Opisyal ng sinimulan ang Palarong Panlalawigan 2025 kahapon, February 25, 2025 na ginanap sa Eco Athletic Field, Daet, Camarines Norte.
Sinimulan ito sa isang makulay at enggrandeng parade na dinaluhan ng mga atleta, mentors at coaches mula sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan. Ipinaabot naman ng Pamahalaang Panlalawigan at iba’t ibang Lokal na Pamahalaan ng bawat Bayan ng Camarines Norte ang suporta at pagmamalaki sa bawat atletang kalahok sa nasabing palaro.
Ang aktibidad na ito ay magpapakita ng kasanayan, kalakasan at sportsmanship ng bawat atleta sa kanilang napiling sport.
Ang Palarong Panlalawigan ay tatagal ng apat (4) na araw,mula February 25 hanggang February 28, 2025. Ang mga atletang magwawagi ay didiretso na patungong at irerepresent ang lalawigan sa Bicol Meet 2025.














📸 Camarines Norte Provincial Information Office