ISANG BATANG ISKOLAR NG MGA TAUHAN NG CAMARINES NORTE 1ST PROVINCIAL MOBILE FORCE COMPANY -PROJECT AGAPAY, NAGTAPOS SA ELEMENTARYA!

ISANG BATANG ISKOLAR NG MGA TAUHAN NG CAMARINES NORTE 1ST PROVINCIAL MOBILE FORCE COMPANY -PROJECT AGAPAY, NAGTAPOS SA ELEMENTARYA!

Nitong April 15, 2025, sa ganap na ika-9:00 ng umaga, buong puso at pagmamalaking dumalo ang mga kawani ng Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company sa seremonya ng pagtatapos ni Abegail Ann S. Punzal, isa sa mga natatanging iskolar at benepisyaryo ng Project A.G.A.P.A.Y. Ang makasaysayang kaganapang ito ay ginanap sa Don S. Carranceja Memorial School, Barangay Bibirao, Daet, Camarines Norte.

Ang PROJECT A.G.A.P.A.Y. na nangangahulugang “Alay at Gabay upang Ating Kabataa’y Pag-aralin Arugain na maging Yaman ng ating Bayan” ay isang adhikaing ipinagkakaloob ng CN 1st PMFC upang magbigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mgapiling kabataang ulila, kapos-palad, mga nangangailangan ng kalinga at gabay at  mga kabataang mula sa mga pamilyang kapos-palad upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Layunin nitong tulungan sila na makamit hindi lamang ang edukasyon, kundi pati na rin ang dignidad, pag-asa, at kinabukasang may katiyakan.

Bilang bahagi ng kanilang walang sawang serbisyo, regular na binibisita ng yunit ang mga benepisyaryo upang kumustahin ang kanilang kalagayan sa eskwela at sa kanilang tahanan. Sila rin ay pinagkakalooban ng mga food packs, school supplies, at pinansyal na tulong upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pag-aaral. Higit pa rito, tiniyak ng proyekto na ang suporta ay magpapatuloy hanggang sa kanilang pagpasok at pagtatapos sa sekondarya.

Ang pagtatapos ni Abegail Ann ay hindi lamang tagumpay ng isang mag-aaral ,  ito ay tagumpay rin ng pamayanan at patunay na sa pagkakaisa ng kapulisan at mamamayan, maaring buuin ang mas matibay, mas edukado, at mas maunlad na komunidad. Isa itong paalala na sa likod ng bawat batang may pangarap ay may mga taong handang tumulong, gumabay, at maniwala.

Source: CNPPO PIO