ISANG LALAKI, ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST SA BAYAN NG LABO

ISANG LALAKI, ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST SA BAYAN NG LABO

Labo, Camarines Norte – Isang 29-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Bitoy”, binata at residente ng Purok 7, Barangay Malatap, Labo, Camarines Norte, ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa isang isinagawang intelligence-driven operation ng pulisya nitong ika-17 ng Abril 2025, ganap na alas-12:10 ng madaling araw. 

Ang operasyon ay pinangunahan ng tracker team ng Labo MPS, sa pakikipagtulungan ng CN 2nd PMFC, Malatap RPSB Team 3, at CN PIU. Ang warrant of arrest ay inilabas ni Hon. Annalie Thomas Velarde, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 64, Labo, Camarines Norte, kaugnay ng kasong Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 25-5019. May nakalaang piyansa sa halagang sampung libong piso (₱10,000) para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

 Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Labo MPS ang inaresto para sa nararapat na disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.

Source: CNPPO PIO