PULISYA NG CAMARINES NORTE PPO, NAKIISA SA “PEDAL FOR PASSION” NGAYONG SEMANA SANTA

PULISYA NG CAMARINES NORTE PPO, NAKIISA SA “PEDAL FOR PASSION” NGAYONG SEMANA SANTA

Camarines Norte – Bilang bahagi ng kanilang misyon na mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng komunidad ngayong Semana Santa, ang pulisya ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director, PCOL LITO L ANDAYA ay aktibong nakiisa sa ika-6 na Taunang Bisikleta Iglesia na may temang “Pedal for Passion: Bike, Pray and Repent” sa ganap na alas-5:00 ng umaga nitong Abril 17, 2025.

Ang taunang aktibidad na ito ay pinangungunahan ni G. Sandy Badaguas, proprietor/organizer at layuning bigyang-daan ang taimtim na pagninilay, pananalangin, at paggunita ng selebrasyon ng Semana Santa habang bumibisita sa mga simbahan gamit ang bisikleta.

Sa taong ito, pitong (7) simbahan sa lalawigan ng Camarines Norte ang binisita ng mahigit 150 kalahok. Ang mga simbahang binisita ay ang St. Joseph Husband of Mary Parish, Divine Mercy Parish Church of Daet, Church of St. Vincent Ferrer, St. Francis de Assisi Parish of Talisay, Most Holy Trinity Cathedral, Our Lady of Peñafrancia Parish at ang St. John the Baptist Parish of Daet.

Bukod sa espiritwal na layunin, isinusulong din ng aktibidad ang mga benepisyong pangkalusugan at pangkalikasan ng pagbibisikleta. Naging makabuluhan at makulay ang pagdiriwang dahil sa pakikiisa ng mga kabataan, kababaihan, mga kasapi ng NGO at GOs, mga opisyal ng barangay, at mga cycling enthusiasts mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Matagumpay na nagtapos ang Bisikleta Iglesia ganap na alas-10:00 ng umaga, dala ang di-malilimutang karanasan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pangangalaga sa kalusugan.

Source: CNPPO PIO